
rVSV-ZEBOV vaccine
Nabuhayan ng pag asa ang World health Organization na tuluyan nang mapupuksa ang Ebola matapos ilabas ang mga resulta ng test para sa bagong Ebola vaccine na rVSV-ZEBOV. Inaasahan na aabot sa 100% ang effectiveness ng vaccine na ito at tinaguriang “Game Changer” pagdating sa pag puksa sa Ebola.
Matagal nang nag titiis ang West Africa sa bangis ng Ebola at sa loob ng mahabang panahon ilang mga uri na ng vaccine ang nabigong puksain ang sakit na ito.Ngunit, sa pag pasok ng vaccine na rVSV-ZEBOV nabuhayan ng pag asa ang mga sayantipiko na Maaari pang mapuksa o di naman kaya’y malabanan na ang sakit upang tuluyan na itong hindi makapaminsala.

Ebola Patient Photo courtesy of World Health Organization
Nasa trial stage pa rin ang Vaccine at patuloy na dine-develop upang tuluyan nang magamit sa pag puksa ng ebola. Sinubukan sa 42 clusters ang vaccine na ito kung saan ang ilan dito ay binigyan agad ng vaccine at ang pangalawa naman ay pina abot ng 21 days bago tuluyang bigyan ng vaccine.
Ang cluster na binigyan agad ng vaccine ay hindi nagkaroon ng Ebola o nagkaroon ng zero cases habang labing anim naman ang dinapuan sa cluster na pina abot muna ng 21 days bago binigyan ng vaccine na ito. Bumababa man ang kaso ng ebola hindi Malabo na magkaroon muli ng outbreak nito.

rVSV-ZEBOV shipped to Liberia for testing photo courtesy of WHO
kaya naman maingat ang mga sayantipiko sa pag aaral ng rVSV-ZEBOV upang masigurado na epektibo nga ito at kaya nitong puksain ang Ebola o di naman kaya ay ihanda ang katawan ng tao upang labanan ang sakit na ito.
Kung magiging successful ang vaccine na ito ay maihahanay na ang Ebola sa mga sakit katulad ng bulutong na dati ay kinatakutan bago pa man nagkaroon ng vaccine para dito.-Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio