Pagtawag sa Panginoon sa oras ng matinding pagsubok, tampok na testimonya sa Count Your Blessings

Pagkapit sa Panginoon sa oras ng matinding pagsubok sa buhay, ito ang ibinahaging testimonya ni sister Mercy Joy Escuadro kay Former Congresswoman Cherry Domingo-Umali at Doctora Kit De Guzman sa progaramng Count Your Blessing noong Sabado, August 6.

Kwento ni Sister Mercy, dahil isang buwan ng dinudugo ang nanay ni Sister Mercy ay nagpasya na sila na dalhin ito sa ospital kung saan kinakailangan itong operahan. 02:51 – 02:55

Naging matagumpay ang naging operasyon ng ina ni Sister Mercy, gayunpaman, katulad ng kinatatakutan nito ay hindi na siya nagising pagkatapos ng operasyon, bagay na nagdala ng takot sa kanyang pamilya.

Tumakbo sa chapel si Sister Mercy at doon ay humingi ng habag sa Panginoon.

Isang panalangin na pinagtulungan nilang mga mahal sa buhay at mga pastor sa kanilang church na tinugunan ng Panginoon.