Binibining Nueva Ecija 2022 Swimsuit Competition

Mga kandidata ng Binibining Nueva Ecija 2022, nagpatalbugan sa kaseksihan

Nagpatalbugan sa kaseksihan ang mga kandidata ng Binibining Nueva Ecija 2022 sa kanilang Swimsuit Competition na ginanap sa Highland Bali Villas, Resort and Spa, Pantabangan Nueva Ecija.

Suot ang kanilang one piece swimsuit na dinesenyo ni Mr. Julius Pegarro na siya rin mismong gumawa ng nasabing attire sa Bb. Pilipinas 2022.

Ang mga kandidatang kalahok ay mula sa bayan ng Talavera, Lupao, San Leonardo, San Antonio, San Isidro, Bongabon, Cabiao, Lupao, Llanera at mga lungsod ng San Jose, Muñoz, Gapan at Palayan.

Ang mananalo bilang Best in Swimwear Attire ay mag-uuwi ng sash at cash prize na Php 10,000.00.

Ang nasabing beauty pageant ay handog ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno nina Gov. Aurelio “Oyie” Umali at Vice Gov. Doc Anthony Umali sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office sa pangunguna ni Atty. Joma San Pedro.