3 kumpanya ng softdrink, kinumpirma ang kakulangan sa asukal
Kinumpirma ng mga nangungunang gumagawa ng softdrink companies sa Pilipinas na sila’y nakararanas ng shortage sa Refined Sugar na isang key ingredient sa kanilang mga produkto.
Sa isang joint statement, sinabi ng Coca Cola Beverages Philippines, Pepsi-Cola Products Philippines, at ARC Redreshments Corporation na nakikipagtulungan sila sa iba pang mga stakeholder ng industriya upang matugunan ang sitwasyon.
Ang inaasahang produksyon ng asukal sa bansa na 1.8 milyong metric tons ay kulang ng 200,000 metric tons sa taunang pangangailangan na 2.03 milyong metric tons na naobserbahan sa loob ng tatlong taon.
Nakipagpulong na din si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa iba pang ahensya para magkaroon ng solusyon sa problema sa supply ng asukal.
Sa gitna ng mga hamon, nagbitiw na din ang ilang opisyal ng Sugar Regulatory Administration dahil sa kontrobersyal na resolusyon na nag-apruba sa pag-import ng 300,000 metric tons ng asukal na kalaunan ay sinabi ng Malacañang na ilegal.
Sumusuporta naman sa pansamantalang pag-import ng asukal ang Philippine Chamber of Commerce and Industries, upang mabawasan ang pagtaas ng mga gastos.