SENSITIBONG BALITA

21 High Explosives o pampasabog umano ng NPA, narekober ng Nueva Ecija Police

Nagsagawa kahapon August 16, 2022 ng Internal Security Operation sa Sitio Barat, Barangay Burgos, Carranglan ang kapulisan ng Nueva Ecija na nagresulta sa pagkakarekober ng dalawampo’t isang piraso ng high-explosive vintage bombs.

Ayon sa ulat ni PCOL Jess Mendez, Acting Provincial Director ng NEPPO, 10:25 ng umaga nang ilunsad ang naturang operasyon ng pinagsanib-pwersa ng 2nd PMFC, Carranglan Police Station, and 84th IB ng 7ID, Philippine Army.

Nanggaling umano sa isang Ka Winnie, na isang dating rebelde na sumuko, at sa tulong ng isang alyas Sonny ang impormasyon kung nasaan ang mga natagpuang bomba.

Samantala, ang mga pampasabog ay isinailalim sa mga kamay ng NEPECU.