Maliliit na panaderya, tindahan sa Cabanatuan City, apektado ng pagtaas ng presyo ng asukal

Dahil sa pagtaas presyo ng asukal ngayon na halos umabot na sa p100.00 per kilo ang puting asukal na dating p60.00 lamang ang dating presyo ay halos wala nang nararamdamang tamis sa lasa ng tinapay, coffee, candy, pandesal, at mga tinging juices na nabibili sa mga sari sari store.

Ilan naman sa mga maliliit na bakery ay napipilitan nang magsara at ang iba naman ay halos pandesal at monay na lang ang itinitinda.

Ang kawalan ng mamimili ang isa sa mga dahilan ng pagtiklop ng mga community bakery, idagdag pa ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay kagaya ng harina at asukal.

Ramdam na ramdam umano ng mga maliliit na bakery ang epekto nito sa kanilang Negosyo.

Kaya isa sa solusyon para kahit papaano ay makapagpatuloy ang mga may-ari ng panaderya ng kanilang negosyong tinapay, ay yung dating P2.00 ay itinaas nila sa P3.00.

At ang iba naman ay sa dating P2.00 pa rin ang pandesal pero binawasan na lamang nila ang laki o timbang nito, na isa sa pinaka mabenta at paboritong almusal sa umaga ang pandesal katambal ng kape.

Isa rin sa apektado ng pagtaas ng presyo ng asukal ay si Aling carmen na halos 30 years nang may-ari ng maliit na sari-sari store.

Ayon sa kanya halos lahat ng kanyang paninda ay tumaas ang presyo, gaya ng mga candy na dating piso isa kailangan na niyang ibenta ng 4 na piraso ay P5.00 sa mga tinapay na matatamis na dating P2.00 ginawa na rin niyang P2.50.

Ang dating P12.00 na 3n1 na kape ay p14 peso na ngayon at ang pinaka mahirap na mabenta ngayon ay ang 1/4 na asukal na dating p16.00 ngayon ang kanyang benta ay P26.00 na.

Kaya ayon sa kanya napakahirap ng benta ngayon dahil nagugulat ang mga suki niya dahil sa biglang taas ng presyo.

Dagdag pa nito ang mga suki niya na bumibili ng kape at asukal sa umaga ay nagugulat sa taas ng presyo dahil sa ang halagang tatlong piso dati makakapagkape kana ngayon ay limang piso na.

Isa rin sa malaking apektado sa sobrang taas ng presyo ng asukal ay itong si ate Milagros Cruz na ang kanyang hanapbuhay ay ang pagtitinda ng kakaning puto bibingka, dahil ang dating P1,440.00 na sako ng asukal ay P3,350.00 na ngayon dagdag pa ang pagtaas din ng presyo ng malagkit na bigas.

Kaya napilitan na rin silang magtaas ng presyo. Ang dating P50.00 ay ginawa na rin nilang p60.00 ang bawat styro.

Ayon sa Department of Agriculture o DA magkakaroon sila ng konsultasyon sa producers at traders ng asukal para pag-usapan ang suggested retail price(srp) ng asukal.

Paliwanag ng da hindi dapat umabot sa p100.00 pataas ang presyo ng asukal.