Tree Planting at Personality Development Orientation ng Bb. Nueva Ecija 2022, ginanap sa bayan ng Talavera
Sa pagpapatuloy ng mga activities ng Bb.. Nueva Ecija 2022 ay nagsagawa ng tree planting noong August 6, 2022 ang mga kandidata sa bagong farm-to-market road ng Poblacion Sur, Talavera, kasama si konsehala Rairai Villanueva bilang kinatawan ng pamahalaang bayan ng Talavera.
Ayon kay Atty. Joma San Pedro, chairman ng Bb. Nueva Ecija 2022 at Tourism Officer ng lalawigan, layunin ng naturang tree planting na mahikayat ang mga kandidata sa kanilang mga adbokasiya sa pangangalaga sa kalikasan at maging inspirado na ipagpatuloy ang reforestation dahil ang Nueva Ecija ay kilala bilang ecotourism site.
May kanya-kanya namang pananaw ang mga kandidata sa kahalagahan ng pagtatanim ng puno at pangangalaga sa kalikasan
Pagkatapos ng tree planting ay agad namang tumuloy sa Crystal Wave Resort ang mga candidate para naman sa kanilang Personality Development Orientation.
Isa sa mga naging speaker ay si Miss Supranational Philippines 2021 Miss Dindi Joy Pajares.
Dito itinuro niya sa mga inspiring Bb. Nueva Ecija, kung papano maging mahusay at magaling na beauty queen, bago maisalang sa mismong pageant, inihahanda sila kung paano ang tamang attitude & personality