Milyon-milyong halaga ng shabu, nasamsam ng kapulisan sa Central Luzon sa mga unang araw ng Agosto 2022
Umaabot sa milyon-milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa Central Luzon sa magkakahiwalay na anti-illegal drug bust operations.
Base sa report ng Police Regional Office 3 sa pangunguna ni Regional Director PBGEN MATTHEW P BACCAY, noong August 3, 2022 tinatayang nasa P1.3-Million ang suma total ng nakuha mula sa mga lalawigan ng Bataan at Pampanga.
Nagresulta sa isinagawang operation ng kapulisan sa Bataan sa Brgy. Villa Angeles Orion ang pagkakaaresto sa mga suspek na sina John Kevin MANLA y Paguio, 30 years old, residente ng Poblacion Pilar; Jayson PAGUIO y Guzman, bente kwatro anyos, naninirahan sa Calungusan Orion; Jerry MONLA y De Leon, male, 54 years old, residente ng Poblacion Pilar; Mateo AQUINO y Angeles, bente kwatro, naninirahan sa San Vicente Orion; at Jiezl ANGELES y Matic, 29 years old, residente ng Calungusan Orion.
Bukod sa small to large sachets ng pinagsususpetsahang shabu na tumitimbang ng 50 grams amounting to Php 400,000.00 ay nakumpiska rin sa mga suspek ang isang Cal. .45 firearm with one magazine loaded with seven (7) live ammunition.
Sa lalawigan naman ng Pampanga ay dalawang suspek din sa pagbebenta ng shabu ang nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Dau, Mabalacat City.
Kinilala ang mga suspek na sina Jemaimah DATU y Guino alias Mai-mai, 31 years old, residente ng Brgy., Dau, Mabalacat City, at Sadam BERTUDAN y Laidan alyas Muslim/Kuya, kwarentay syete anyos, naninirahan sa Northwest, Angeles City.
Nasamsam sa dalawa ang isang android Cellphone, one digital weighing scale, isang body bag, one shoulder bag, at walong sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 130 grams na nagkakahalaga ng Php 884,000.00.
Una rito, tatlong suspek na rin sa pagtutulak ng droga ang nahuli sa buy-bust operation sa Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga noong August 1, 2022 kinilalang na sina Nympha COMPAHINAY y Salup alias “Nympha”, 50 years old; Renato DAVID y Pamintuan alias “Rene”, singkwenta’y otso anyos; at Visitacion ORNIDO y Madrelejos alias “Bising”, 47 years old.
Nakuha sa mga ito ang one piece knot-tied transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang “Shabu” na tumitimbang ng more or less 250 grams with estimated value of Php1,7-M; isang Php1,000.00 na ginamit bilang buy-bust money; dalawang body-bag; isang digital weighing scale; Php1,200.00 cash; at dalawang android cellphones.
Samantala nadakip din sa lalawigan ng Bulacan sa araw na iyon ang suspek na si Enmark MIRANO y Espinosa, trenta’y singko anyos sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Poblacion, Guiguinto, kung saan nakumpiska umano sa kanya ang 14 medium heat-sealed plastic containers na may lamang white crystalline substance na pinagsususpetsahang ‘shabu’ na tumitimbang sa mahigit kumulang 60 grams na tinatayang nagkakahalaga ng Php408,000.00.