Muling nagpatupad ng bawas presyo sa produktong langis ang mga kompanya kahapon, Martes ng umaga July 19,2022
P5.00 kada litro ang itinapyas sa gasoline, P2.00 kada litro sa diesel, at P0. 70 sa kerosene.
Nito lamang nakaraang linggo ay magkaroon na rin ng rollback sa presyo na P5.70 sa gasoline, P6.10 kada litro sa diesel at P6.30 naman sa kerosene.
Ito na ang ikatlong rollback sa diesel at kerosene, habang ikalawa naman sa gasoline.
Ayon sa Department of Energy ang dahilan ng pagtapyas sa presyo ng petrolyo ay humina ang konsumo ng langis sa buong mundo dahil sa pagbaba ng maraming ekonimiya at lockdown sa ilang lugar sa China bunsod ng covid 19, ang bawat presyo sa world market, at pagtaas ng interest rate sa ibang bansa gaya sa America.
Ayon kay Rey de Vera na halos 3 dekada nang tricycle driver ng old capitol-Freedom park TODA, malaking bagay kahit papaano na bumaba ang presyo ng gasolina dahil madaragdgan ng konti ang kanilang kita ngayon.
Natutuwa anya ang mga tricycle drivers at sana raw ay magtuloy-tuloy na ang pagbagsak ng presyo ng gasolina para bumbaa na rin ang presyo ng mga bilihin.