Maraming Filipino ang nangangarap na makapagtrabaho sa abroad lalo na sa bansang Japan, na ngayon ay nangangailangan ng maraming mga manggagawa para sa pagsasaka, at kalusugan.

Pangunahing qualifications para makapag-apply ay marunong dapat ng Japanese language at may alam sa kultura ng mga mamamayan sa Japan.

Kaya noong taong 2019 maliban sa pagtuturo ng English language and culture na naunang programa ng LSI o Language Skills Institute noong 2008, sa tulong at inisyatiba ni Governor Aurelio Umali ay dinagdagan ito ng training para makaunawa at makapagsalita ng Nihonggo upang makatulong sa mga naghahanap ng trabaho abroad particular sa Japan na walang kakayahang magbayad sa mga private institution.

Ayon kay Shirley Pajarillo, Supervising Administrative Officer ng LSI, layunin na matulungan ang mga kabataan na walang kakayahang makapag aral sa koleheyo at mga nais makapagtrabaho abroad.

Para kay Andrew na dating OFW sa Japan na tagapagturo na ng Japanese language ngayon, malaking opportunity ang makapagtrabaho sa Japan dahil ‘di hamak na mas malaki aniya ang sahod doon kumpara dito sa Pilipinas.

Dagdag pa nito, napakalaking tulong ng programang ito ni Gov Oyie Umali kung saan nakakapag-aral ng Nihongo ang mga Novo Ecijano ng libre, dahil kapag sa labas aniya o sa private ay masyadong mahal ang magagastos na hindi kayang magbayad ng mga ito

Kaya nang mabalitaan ni Jay Carlos Sablada na may libreng pag-aaral ng Japanese language sa kapitolyo ay umuwi ito mula sa Palawan sa kanyang nanay sa Barangay Bakero, Cabanatuan city upang samantalahin ang pagkakataong magamit nya ang natapos na kursong Marine Engineering sa pagtatrabaho sa Japan.

Ipinagpapasalamat kay Gov Oyie ng mga trainer at nag-aaral ang mga programa sa LSI, at bukod sa pagtuturo ng English and Japanese languages, and culture, Contact Center Service NC II ay inaasahan na magkakaroon na rin ng training para sa Korean at Mandarin Language and culture.

Sa mga nais na mag-aral ay magsadya lamang sa tanggapan ng Languange Skills Institute sa old capitol Cabanatuan city.