Handog ng Jelly Facial Centre ngayong buwan ng Hulyo ang iba’t ibang facial package promo para sa kanilang mga regular customers at Novo Ecijanos.
Sa loob ng anim na taon ay nasa ganitong linya ng trabaho si Jelly Rivera, may-ari ng Facial Centre, at dahil naging passion na niya ang pag-aalaga sa kanyang balat ay una siyang nagtayo ng negosyong ito noong 2019 sa Cabanatuan City, at sa kasalukuyan ay may branch na rin ito sa Guimba, at Palayan City.
Sa halagang Php599 ay maaari nang ma-avail ang kanilang super promo na mayroong Facial, Diamond Peel at Eyelash Lift, para naman sa kanilang Ultimate Facial Package na mayroong Facial, Diamond Peel at Carbon Laser na mula sa Php1, 250 ngayon ay nasa Php899 na lamang.
Bago sumailalim sa facial treatment ang kanilang mga customers ay nagkakaroon muna sila ng free consultation para sa klase ng balat sa mukha ng kanilang kliyente.
Mayroon na rin silang Training Package Course para sa make up tattoo na mayroon nang Business Kit inclusions na mula sa halagang Php20, 000 ngayon ay nasa Php18, 000 na lamang ito.
Mas pinababa din ang mga presyo ng kanilang eyelash packages, ang natural look extensions na dating Php750 ay Php450 na lang ngayon, ang full glam extensions naman na mula sa Php850 ay bumaba sa Php550 at ang eyelash lifting na dating Php600 ngayon ay Php350 na lang.
Para sa iba pang katanungan at appointment maaari silang kontakin sa kanilang mga Facebook pages na Jelly Facial Centre Cabanatuan City, Jelly Facial Centre Guimba Branch at Jelly Facial Centre Palayan City Branch.