Patuloy pa ring nangunguna ang Nueva Ecija Rice Vanguards sa 4th Season ng Maharlika Pilipinas Basketball league matapos na talunin ang San Juan Knights go for gold sa score na 81-75 sa kanilang naging laro noong Martes July 12 na ginanap sa homecourt ng Vanguards ang Nueva Ecija coliseum sa Palayan City na halos hindi mahulugang karayom sa dami ng nanood.

Dumayo pa si Senator Estrada dito sa Nueva para panoorin ang laro ng kanyang pag-aaring team.

Maging si Nueva Ecija Governor Oyie Umali kasama ang basketball fanatic na si Provincial Administrator Atty. Alejandro Abesamis ay nagpakita rin ng suporta sa Vanguards na ang team owner ay si Ginoong Bong Cuevas na ama ni Palayan City Mayor Vianne Nicole Cuevas.

Naging mabigat at pisikalan ang laban ng Vanguards kontra sa dating 2019 MPBL Datu Cup champion na San Juan Knights.

Matinding opensiba at depensa ang ipinamalas ng San Juan dahil mula 1st quarter hanggang pumasok na sa 4th quarter ay umabot pa sa 13 points ang lamang nila kung saan hindi man lang nakalamang ang Vanguards.

Nadagdagan ang frustration ng mga bata ni Coach Jerson Cabiltes pagkaraang ma-eject sa laro ang kanilang head coach bago magsimula ang last quarter pagkatapos patawan ng 2 technical dahil sa paglapit sa commissioner’s table ng player na si Jonathan Uyloan para itanong kung bakit hindi tinawagan ng referee ang hard screen ni Justine Gutang ng Knights kay Pamboy Reymundo ng Vanguards at ng kanyang assistant coach na si Harold Tan.

Kaya bago lumabas ng court ni coach Jerson kinausap niya ang kanyang mga players na gawing advantage ang dami ng crowd ng Nueva Ecija na malakas ng suporta sa kanilang team.

Naging never say die at halos na doble ang lakas ng Vanguards sa motivation ng kanilang coach at sa lakas ng sigaw ng mga Novo Ecijano fans ay nakuha nila ang kalamangan sa isang 3 points shot ni Jay Collado at Hased Gabo sa isang full up jumper na bumuhay sa kanilang pag-asa sa score na 78 -75 sa last 34.7 seconds o nalalabing oras sa final quarter na nagpanalo sa Vanguards at nagpanatili sa kanilang solo lead sa team standing, out of 22 teams.

Tinanghal na best player si Will McAloney na mayroong 24 points and 5 rebounds. Kasunod si Gabo na mayroong 16 points and 6 assists, Michael Juicos with 16 points and 10 rebounds.