Dahil sa sobrang taas ng presyo ng puting asukal ngayon ay halos hindi na malasahan ang tamis nito, dahil sa sobrang mahal ay pait na ang lasa nito lalo na kapag kakaunti nalang ang ilalagay mong asukal sa iyong paboritong kape sa umaga.
Ang halaga ng puting asukal ngayon sa palengke ay umaabot na sa P98.00 per kilo na dating P50.00, sa washed sugar ay nasa P92.00 kilo, dating P45.00 at P80. 00 naman sa brown sugar na dating P42.00 kaya halos hirap din sa paghahanap ng mas murang supplier ang mga mga nagtitinda.
Sa bawat 50 kg kasi ng asukal nasa P4,000.00 to P4,500.00 na ang presyo nito.
Ayon sa sugar regulatory board tumaas ang presyo ng asukal sanhi ng mababang produksiyon at supply nito, dulot ng pagtama ng bagyong Odette sa mga sugar producing areas sa bansa.
Maliban dyan mas lumala rin ang recovery sa tubuhan dahil sa karamihan sa mga magsasaka ay inaani na nila ang tubo kahit ito ay bata pa.
Maging ang itlog ay nananatiling mahal ang halaga dahil rin sa kakulangan ng supply at taas ng production cost nito.
May mga tumigil na sa pagtitinda dahil sa taas ng presyo ng pagkain ng kanilang mga alagang manok at kaso ng bird flu sanhi ng pagsipa ng presyo ng itlog.
Sa ngayon ang presyo ng itlog dito sa palengke ng kung dating P5.00 ang small size ngayon ay P7.00, sa medium sna dating P6.00 ngayon ay P7.50 at sa large size na dating P7.50 ay P8.00 na ngayon.
Kaya ayon kay Maricel River, maraming nagrereklamong mamimili kung dati ang itlog ang pinakamurang ulam, ngayon hindi na kundi abaka baka mapapmura ka pa sa mahal ng presyo ng itlog ngayon na pang bansang ulam lalo na ng mahihirap na anytime pwedeng ulam ang itlog
Ang halaga naman ng mantika yung walang brand ay ganoon pa rin. Naglalaro ito sa P80.00 hanggang P90.00 kada litro, mas bumaba sa dating 105 bawat litro.
Apektado ang mga mamimili lalo na ang mga gumagamit ng pangunahing sangkap na itlog at asukal sa kanilang negosyo Kagaya na lamang ng Aying’s Pastillas.
Himitok ng may-ari nito sa kanyang Facebook account, wala nang mabiling asukal na Victoria at Luisita. Karaniwang negosyante saan ka bibili ng asukal? Karaniwang magpa pastillas saan ka tutungo? Karaniwang magtitinapay paanu na ang kape? Karaniwang magpuputo paanu na ang bukas?