Nagsagawa ang Provincial Health Office ng Nutrition Counselling para sa mga empleyado ng Pamahalang Panlalawigan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo.

Layunin nitong maituro at matutunan ang tamang pagkain para makaiwas sa sakit at mapangalagaan ang kalusugan.

Ayon sa presidente ng Nutritionist Dietitian Nueva Ecija Chapter na si Patria Paz Catacutan, pangunahing dahilan ng pagiging mataba o overweight at pagkakaroon ng iba’t ibang sakit gaya ng diabetes, hypertension, stroke o sakit sa puso ay ang ating mga kinakain.

Subalit bilang nutritionist dietitian ay hindi nila itinuturing na may masamang pagkain, bagkus ito ay itinuturing nilang gamot.

Sa naturang nutrition counselling kinukuha ang tamang timbang, taas ng isang empleyado, at ituturo ang dami ng pagkain na dapat kainin sa araw-araw.

Papayuhan naman ang mga kawani na magpa counselling sa mga dietitian na nagmula pa sa ibat ibang district hospital ng lalawigan at mula sa Department of Health Regional Nutritionist para sa tamang timbang at tamang pagkain.

Ikanababahala ng mga dietitian ang pagdami ng mga overweight na mga empleyado dahil sa klase ng kanilang trabaho araw araw na maghapong nakaupo sa opisina na walang gaanong physical activities.

Ang sobrang timbang ay isa sa mga sanhi ng hypertension, pagtaas ng cholesterol, at diabetes, Kaya binibigyan sila ng assessment para mapababa ang kanilang timbang, guidelines kung gaano karami ang dapat kainin sa almusal, tanghalian at hapunan.

Payo naman ni Iluminada De Guzman Provincial Nutrition Program Coordinator, na ang dapat na kinakain ng tao ay sapat lang sa ating katawan, huwag sobra sobra, at dapat na magkaroon ng physical activities para malusaw ang mga fats na naka stock sa ating mga katawan.

Para naman kay Froilan Taguiam empleyado ng kapitolyo kaya siya nagpa counselling upang malaman ang tamang pagkain sa araw araw para sa kanyang kalusugan.

Pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga dietitian at mga empleyado ng kapitolyo kay Governor Aurelio Umali para sa kanyang suporta na mapangalagaan ang kanilang kalusugan ng mga empleyado – ulat ni Smile Supetran III