Nagsimula sa home service at ngayon ay kilala na at binabalik-balikan ng mga parokyano ang haplos na hatid ng Hands of Senses Spa and Beauty Lounge na matatagpuan sa Zulueta Street, Cabanatuan City.

One stop beauty shop na maituturing na bonding ng pamilya at buong barkada dahil narito na ang lahat ng services na pamparelax na de kalidad at abot kaya ang presyo.

Ngayong July ay extended ang kanilang rainy promo kung saan sa halagang P499 pesos ay makapipili ka na ng dalawa sa labing-isang services na Eyelash Lift, Eyelash Extension, Brow Lamination, Deep Cleansing Facial, Diamond Peel, Underarm Waxing, Gel Manicure and Pedicure, Regular Footspa, Foot Massage at Back Massage.

Habang sa halagang P999 pesos ay apat na services ang iyong pwedeng piliin, mula sa mga unang nabanggit ay nadagdagan pa ang mga ito ng 1 hour Signature Massage, Back Facial, at Foot Paraffin.

Kabilang din sa kanilang promo ang Signature Body Massage na nagpakilala sa spa na may Free Hotstones or Ventosa na nagkakahalaga ng P349.00.

5-in-1 naman ang kanilang inoofer sa Signature Facial na sa halagang P599 pesos ay malaki na ang maitutulong upang mabawasan ang inyong acne o pores depende sa mukha.

Kakaiba rin ang kanilang tinatawag na Royal Foot Spa na sa halagang P250 pesos ay mapapawow ka sa kanilang ginagamit na Jelly na may kasamang whitening effect samahan pa ng Gel Manicure and Pedicure na may presyo na P500 pesos.

Bukod sa massage, footspa, facial ay available din ang Haircut, Hair Color, Highlights, at Rebond na sa murang halaga ay talaga namang pinupuntahan ng mga parokyano.

Sa mga nais magpareserve o magpahome service ay maaaring tumawag sa 0917-961-5423 o 0915-068-9754. Maaari ring bisitahin ang kanilang facebook page na Hands of Senses Spa and Beauty Lounge para makita pa ang ilan panag mga services na kanilang inoofer.