Makakatapat sa darating na Martes July 12, 2022 ng Nueva Ecija Rice Vanguards ang San Juan Knights ni Sen. Jinggoy Estrada na may tatlong panalo at tatlong talo na sa Maharlika Pilipinas Basketball League 2022 na gaganapin ulit sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan city.

Patuloy ang pagdomina ng Vanguards matapos na talunin ang Laguna Krah Asia Heroes sa score na 107-79, sa laban nila noong Martes July 5,2022 sa home court ng Vanguards sa coliseum ng Nueva Ecija.

Ito ang 7 straight win ng Nueva Ecija na wala pang talo para manguna sa team standing sa single round Robin elimination round of 22 team tournament.

Dinumog at napuno ng mga Novo Ecijano ang air-conditioned coliseum para suportahan ang team Nueva Ecija Vanguards sa kanilang kauna-unahang home court game

Very proud na makita ng mga kababayan ang mga manlalarong sumabak bilang first five na mga tubong Nueva Ecija na sina jersey no.# 11 Clark Derige ng Talugtug, no. #10 Dondon Arenas ng Bangad Cabanatuan city, no. #15 Bobby Balucanag ng Lupao, at ang dating PBA black water no. ,#77 Renz Palma ng Aduas Cabanatuan.

Hindi naman disappointed si Vanguards’ coach Jerson Cabiltes sa kanilang unang homecourt game dahil sa ganda ng laro ng kanyang mga players.

Hinirang na best player of the game si no. #51 Byron Villarias para pangunahan ang Nueva Ecija sa scores na 17 points, pangalawa si homegrown no. #15 Balucanag with 14 points will Mcaloney with 13 points at 9 rebounds, Hesed Gabo with 11 points at ng tubong Aduas na si Palma na may 10 points at 9 assists.