Inihayag ni Nueva Ecija GovernorAaurelioUumali sa ginanap na flag raising ceremony noong Lunes sa New capitol, Palayan city ang paglulunsad ng pangako watch upang mabantayan kung isasakatuparan ng mga nanalong opisyal ng gobyerno ang kanilang mga ipinangako sa kampanyahan noong nakaraang halalan.
Pangungunahan aniya ito ng leaders of faith, media at iba pang non-government organization na mag-paalala sa mga lingkod bayan na namaisakatuparan ituloy ang kanilang mga inilatag na plano.
Ayon kay Governor Umali nais niyang dito sa lalawigan simulan ang pangako watch upang magsilbing huwaran ng iba pang mga pinuno sa mga probinsiya sa buong bansa.
Muli rin niyang pinasalamatan ang mga empleyado ng kapitolyo at ang lahat ng mga Novo Ecijano na nagtiwala sa kanya dahil out of 1.2 million na botante sa Nueva Ecija, 830,000 ang bumoto sa kanya.
Kaya malinaw umano ang mensahe sa kanya na nais ng mga Novo Ecijano ipagpatuloy ng pamahalaang panlalawigan ang mga programang malasakit para sa mga mamamayan tulad ng Provincial Food Council na namimili ng aning palay ng mga lokal na magsasaka na naglalaan ng bigas sa pamilyang Novo Ecijano para may maihain sa hapag at makain sa panahon ng pandemya.
Maging ang operasyon ng quarry sa Nueva Ecija ay magkakaroon din umano ng taskforce kung saan kasama rin ang leaders of faith, Sangguniang Panlalawigan, mga departamento at tanggapan na may pangunahing responsibilidad sa pagpapatupad nito gaya ng Philippine National Police, Philippine army, public prosecution office at media, para mai-published ang lahat ng quarry activities, registered man o unregistered para maisulong ang transparency. – ulat ni Smile Supetran III