Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsagawa ng sports fest ang Aerox Club Philippines-Nueva Ecija na ginanap sa malaki at air-conditioned na coliseum ng provincial government.

Ito ay nilahukan ng halos 200 participants na mula pa sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.

Maliban sa basketball games ay mayroon ding tug of war at iba pang mga palaro ang pinaglabanan ng bawat team per district na lalong nagpasaya hindi lamang sa mga riders pati na rin sa kanilang mga OBR o official back rides.

Ayon kay Looney Fernando, Pangulo ng ACP-Nueva Ecija, hindi lamang puro rides ang ginagawa ng kanilang grupo dahil layunin ng nasabing palaro na ma-enhance ang samahan at bonding ng bawat miyembro sa bawat distrito at para mabigyan ng kasiyahan at maipakita ang galing ng bawat rider pagdating sa palakasan, at higit sa lahat ay mapagbuklod-buklod ang apat na distrito ng lalawigan bilang mga Novo Ecijano.

Dagdag ni Looney, very proud silang mga Novo Ecijanong miyembro ng Aerox Club dahil maipagmamalaki anIya nila na mayroong ganito kalaki at kagandang Nueva Ecija Coliseum.

Tinanghal na overall champion ang District 2 nang makuha nila ang panalo sa tug of war, best in uniform, calamansi and card relays, best in Miss and Mr. Palaro, at marami pang iba.

Sa basketball naiuwi ng District 1 ang kampeonato, at first runner up ang District 2, ang second runner up naman ang Dist. 3 at 3rd runner up naman ang Dist. 4

Lubos naman ang pasasalamat ni Looney kay Governor Aurelio Umali at Vice Governor Doc Anthony Matias Umali sa suporta sa Aerox Club Philippines Nueva Ecija na magamit ang Nueva Ecija Coliseum sa isinagawang palakasan ng grupo. – ulat ni Smile Supetran III