Ibinahagi nina Pastor Ferdinand Cruz at Pastora Ermalee Cruz kina Dra. Kit de Guzman at guest co-host na si Precious Berdolaga ang kanilang mga pinagdaanan sa buhay na sa huli pala ay nagsilbing preparasyon nila para sa mga biyaya na darating sa kanila.
Ito ang success story na kanilang pinagusapan sa Programa nina Former Congresswoman Cherry Umali at Dra. Kit na Count Your Blessings noong sabado June 18.
Kwento nina Pastor Ferdinand at Pastora Ermalee, noong una ay hindi pa nila naiintidihan ang mga pagsubok na dumarating sa kanilang buhay.
Pero dahil sa patuloy na pananampalataya sa Panginoon sa gitna ng mga pagsubok ay dito nakita nina Pastor Ferdinand at Pastora Ermalee ang mga pagsubok na ito na ngayon ay nakikita nila bilang stepping stone ng kanilang pagpapala na tinatanggap ngayon.
Ngayon ay mayroon ng sariling eskwelahan at music store sina Pastor Ferdinand at Pastora Ermalee at pinagtutulungan palakihin ang kanilang tatlong supling na may gabay ng Panginoon. – ulat ni Amber Salazar