
Sa gabi ng eulogy ni Lui Brown ay nagtipon ang kanyang mga kapamilya, kaibigan at nakasama sa trabaho kung saan ginunita ang kanyang naging buhay.
Isa-isang inalala ng kanyang mga naging kaibigan sa industriya ng pamamahayag ang kanilang naging karanasan kasama si Lui Brown.

Masayahin, mabait at malambing ganito inalala ng mga kasamahang mamamahayag si Lui Brown sa kanyang eulogy.

Pumanaw si Josiema Bondad na mas kilala bilang Lui Brown noong September 21, 2019 dahil sa kumplikasyon ng sakit na leukemia, sya ay apatnapu’t tatlong gulang.
Sa loob ng 22 taon ay narinig ang boses ni Lui Brown sa radyo na nagbibigay ng love advice sa kanyang mga listeners. January 16, 1997 nagsimulang pumailanglang sa ere si Lui sa Donna 88.7.
Naging radio announcer rin sa DWUP-89.7, host sa Harana Live ng NHGL Radio 92.9 at naging parte ng DWNE Teleradyo sa mga programang Heart To Heart at Easy Lang sa UMFM. – Ulat ni Amber Salazar