Tumaas ng piso ang presyo ng mga notebooks at pad paper sa mga pangunahing pamilihan sa Cabanatuan City.
Panghunahin na rito ang mga notebooks na nasa 12 pesos hanggang 14 pesos ang presyo na mabibili sa Ang Tiaga Trading, habang ang mga branded notebooks naman na mabibili sa Pandayan Book Shop ay nasa 17.25 pesos hanggang 31.75 pesos ang presyo.
Ang isang rim ng pad paper ng Grade 1 to Grade 4 ay nasa 90 pesos, 15 to 25 pesos naman ang Long Pad sa Ang Tiaga.
Ayon kina Jessie Ventura, ng Pandayan Bookstore at Crisanto Carlos ng Ang Tiaga Trading, tumaas ng piso ang presyo ng kanilang mga school supplies.
Isang linggo na lang bago magsimula ang pasukan dagsa pa rin ang mga mamimili sa Pandayan Bookstore at Ang Tiaga Trading sa Cabanatuan City.
Samantala, ilan naman sa mga school supplies ang hindi gumalaw ang presyo tulad na lamang ng lapis, ballpen na nasa 5 pesos kada piraso, ang krayola na may 16 colors ay
nagkakahalaga ng 34 pesos habang ang 24 colors ay nasa 49 pesos.
Sa panayam naman kina Josephine Hizon at Evelyn Bautista suki ng Ang Tiaga Trading, taun – taon silang namimili dahil pasok ang mga bilihin dito sa kanilang budget.
Nabatid na noon pang nakaraang taon ay nagtaas na ng presyo ng mga papel na gagamitin para sa school supply at mas umangat pa ngayong malapit na ang pasukan, para sa school year 2019 – 2020 dahil sa pagmahal ng raw materials mula sa ibang bansa at apektado rin ito sa paggalaw ng piso kontra dolyar.
Nagpasalamat naman si Carlos sa lahat ng mga taga Nueva Ecija lalo’t higit sa Cabanatuan City na tumatangkilik magpahanggang ngayong sa kanyang tindahan lalo na tuwing papalapit ang pasukan.
Sinabi naman ni Ventura, bagaman tumaas ang presyo ng mga gamit pang-eskwela ay mas dumami sa kasalukuyan ang mga mamimili kumpara noong nakaraang taon. – Joice Vigilia/ Danira Gabriel