Masayang tinanggap ng NEPCLO ang “Best SOCO” award sa ginanap na 74th PNP Crime Laboratory Founding Anniversary Celebration sa Camp Crame, Quezon City noong May 23, 2019.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Imelda Roderos, ito ang unang beses na nakapag-uwi ang kanyang team ng parangal galing sa Philippine National Police.

Ang team ng Nueva Ecija Provincial Crime Laboratory. Photo credits NEPCLO

Dito sa ating lalawigan, ilan lamang ang mga kaso ng pagpatay kina Fr. Richmond Nilo at Mayor Ferdinand Bote sa mga naresolba sa pamamagitan ng SOCO.

Bagaman may kakulangan ang NEPCLO sa tauhan at kagamitan ay hindi umano ito hadlang para magsikap sa paggampan ng tungkulin ang grupo.

Samantala, kasalukuyan namang naghahanap ng mga bago at karagdagang miyembro ang SOCO Nueva Ecija.

Ang mga aplikante ay dapat na may edad na 21-30 years old, graduate ng 4-year course, at may eligibility alinman sa NAPOLCOM at Civil Service o kaya ay board exam passer ng anumang propesyon.

Sa mga intresado, i-download at i-fill out ang PNP application form sa website ng pnp.gov.ph. –ulat ni Clariza de Guzman