Nakiisa ang mahigit anim na raang spiranteng Riders sa isinagawang Training at Seminars ng Rider Guardians Community sa barangay Pinili, San Jose City, Nueva Ecija kamakailan April 28, 2019.
Kitang kita sa mukha ng mga aspiranteng riders na pursigidong matuto para sa kapakanan ng kanilang kaligtasan sa pagmamaneho ng motorsiklo.
Mainit man ang panahon ay sinuong ng mga riders ang ensayo upang mas maisabuhay ang pagiging isang disiplinadong motorcycle rider.
Pahayag ni Nick Fuentes, Director General ng Rider Guardians Community, ang RG Community ay nagsasagawa ng mga training para ipromote ang pagiging responsableng riders upang madagdagan lalo ang kanilang kaalaman sa tamang pagmamaneho.
Dagdag pa ni Fuentes na ang RG Community ay binubuo ng subgroups o iba’t – ibang grupo ng mga riders gaya ng RG Mechanics,RG Emergency Response Teams, Snippers at iba pa.
Kinakailangan ng mga aspiranteng rider na sumailalim sa pagsasanay bago makakuha ng lisensiya at maging parte ng grupong RG Community.
Ilan lamang sina Mark Angelo Tomas tubong Cuyapo Nueva Ecija at Maricris Vimapar mula sa Paniqui Tarlac, ang nakiisa na aspirant rider sa naturang seminar at training ng RG Community.
Sa kasalukuyan ay may bilang na 39, 000 na ang kasapi sa Riders Guardians Community at patuloy pa rin na ang pagsasagawa ng mga seminars at training sa iba’t – ibang lugar sa Pilipinas. -Ulat ni Joice Vigilia/Getz Rufo Alvaran