Masayang ipinagdiwang ng Cabanatuan Senior Citizens Association ang kanilang ika-10 anibersaryo, na ginanap, kahapon, April 29, sa Auditorium ng Old Capitol, Cabanatuan City.

Ayon kay Lola Arcadia Baby Ortiz Pangulo ng CSCA o Cabanatuan Senior Citizens Association, nasa labing dalawang Barangay ang dumalo sa naturang selebrasyon na kinabibilangan ng Barlis, Caalibangbangan, Daan Sarile, Dicarma, Imelda, Lourdes, Ma. Theresa, MS Garcia, Patalac, Sto. Nino, Sangitan West at Aduas, Centro, Norte, Sur.

Aniya, layunin ng kanilang samahan na makahikayat pa ng ibang katandaan upang makiisa sa kanilang grupo at lumago pa ang kanilang asosasyon.

Dumalo rin sa pagdiriwang sina Cabanatuan City Vice Mayor Doc Anthony Umali na tumatakbo bilang  Vice Governor ng Nueva Ecija, Mayoralty Candidate Philip ‘Dobol P’ Piccio ng Lungsod ng Cabanatuan kasama ang tatlong konsehal ng Team Save na sina Allen Tolentino, Jubal Esteban at Ariel Severino.

Sa mensahe ni Cabanatuan City, Vice Mayor Doc Anthony Umali, nilinaw nito na hindi pwedeng tanggalin ang sino mang Senior Citizen sa samahan ng mga Senior.

Pagbibigay naman ng Allowances at Pension sa mga Senior Citizens at ibababa ang singil sa kuryente para sa mga Cabanatueno ang gagawin  ni Philip Dobol P Piccio kapag siya ay palarin na manalo.

Samantala, nagpaabot naman ng suporta ang buong samahan ng CSCA sa pangunguna ni Lola Arcardia Baby Ortiz, aniya buo ang kanilang suporta kina Governor Cherry Umali at Former Governor Oyie Umali.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 600 miyembro ang CSCA sa lungsod ng Cabanatuan.