Hindi sumipot ang 10 konsehal na kaalyado ni Mayor Jay Vergara sa pagbabalik sesyon ni VM Anthony Umali kasama ang 2 pang konsehal na sina Kon. Nero Mercado at Kon. Gave Calling, kahapon April 29, 2019.

Nalulungkot sina VM Umali dahil mas pinanaig ng mga konsehal ang pamumulitika kaysa gawin ang kanilang trabaho para makapaglingkod sa Cabanatueno.

Ang mga miyembro ng Sanggunian na nagkaisang umabsent ay sina Kon. EJ Joson, Kon. Mario Seeping, Kon. PB Garcia, Kon. Froilan Valino, Kon. Ruben Ilagan, Kon. Fanny Posada, Kon. Rosendo Del Rosario Jr, Kon. Bong Liwag, ABC Chairman Sergio Tadeo at SK Federation President  John Ellis Galang.

Dahil sa kakulangan ng bilang kaya hindi natuloy ang pagpupulong at nabinbin ang mga panukalang ordinansa at resolusyon na sana ay pag-aaralan ng kapulungan.

Abangan ang buong balita sa Balitang Unang Sigaw.

https://youtu.be/cRXkpPuGwtQ