Si Governor Cherry ay kumakandidato bilang Kinatawan ng ikatlong distrito ng lalawigan, habang ang kanyang asawa na si Former Gov. Oyie ay muling tatakbo bilang Gobernador ng probinsya.

Nauna pa rito ay nagtungo na rin ang ina ng lalawigan sa Barangay Sta. Teresita, Berang, Malilio at Isla sa Bayan ng Sta. Rosa na mainit na sinalubong ng mga mamamayan doon.

Sa pag-iikot ni Governor Cherry sa Barangay Melojavilla, Bernardo District at Sanbermicristi ng Lungsod ng Cabanatuan, ay kasama rin nito si Vice Mayor Anthony Umali na kumakandidato bilang Bise.

Gobernador ng Lalawigan ng Nueva Ecija, at ang mga tumatakbo bilang bokal ng ikatlong distrito na sina Board Member Macoy Matias at Bokal Darrel Manong DM Morales.

Tinungo na rin ng grupo ng Gobernador kasama ang Team Save Cabanatuan ang Barangay Pagas, Barangay Sumacab Norte at Sumacab Sur  sa Cabanatuan City.

Sa mga naunang araw ng paglilibot ng Gobernador ay ilan sa kanyang mga natulungan ang nabigyan ng pagkakataon na personal na makapagpasalamat sa kanya.

Isa sa mga ito ay si Tatay Sergio Sison na nakapagpatapos ng kanyang tatlong anak sa kolehiyo sa tulong ng Scholarship Program nila ng kanyang kabiyak na si Former Governor Aurelio Matias Umali.

Ilan lamang ang mga nabanggit na lugar sa inikot ni Governor Cherry kasama ang kanyang mga kapartido sa Unang Sigaw upang makadaupang palad ang mga mamamayan ng lalawigan.

Kasama ang Team Save Cabanatuan ay maagang nagbahay-bahay si Governor Czarina “Cherry” Umali sa Barangay Caalibangbangan sa Lungsod ng Cabanatuan, kahapon, ika-labing isang araw ng kampanyahan, upang ipahayag ang kanilang tapat na hangarin na maglingkod sa bayan.— Ulat ni Jovelyn Astrero