Mas pinili ng buong grupong Team Save Cabanatuan na simulan sa paghingi ng basbas ng simbahan ang kanilang pangangampanya na isinagawa sa Sto. Niño Church, Kapitan Pepe, noong March 30, 2019.

Matapos ang misa, ala-syete ng umaga ay sumabak na sa house to house campaign sa iba’t – ibang barangay sa naturang lungsod ang buong kandidato ng Team Save.

Walang sinayang na oras ang grupo upang  magpakilala at maglahad ng kanilang mga plataporma at magandang hangarin para sa mga Cabanatueño.

Ayon kay Mayoralty Candidate Philip “Dobol P” Piccio, pagdadasal sa panginoon ang isang instrumento at solusyon na makatutulong para manalo ang katotohanan.

Sa Aduas Norte, Adus Sur at Adus Centro ang unang dinalaw  ng Team Save Cabanatuan, dito naghayag ng kanilang hangarin ang mga kandidato kung paano sila makatutulong sa problemang nararanasan ng lungsod.

Sa pangangampanya ng grupong Team Save Cabanatuan sa ikatlong araw ng campaign period  kinamusta naman ng grupo ang barangay ng Cruz Roja, Daan Sarile at Lourdes.

Makikita ang suporta ng mga residente sa bawat barangay na lubos ang pakikiisa sa mga aspiranteng kandidato na mula sa Team Save Cabanatuan.

Samantala, sa ika-apat na araw ng pangangampanya ng mga kandidato, ang grupo ng Team Save Cabanatuan ay tumungo sa barangay ng Bantug Norte, San Isidro at Valle Cruz upang suyuin at ibahagi ang kani – kanilang mga naisin na ipatupad sa lungsod.

Tatagal ang campaign period hanggang May 11, 2019.