Isusulong ni Board Member Candidate Joy Pascual ang mga programang may kinalaman sa pang-kalusugan at isports para sa mga Novo Ecijano sa Ika-apat na distrito.

Inilahad ni 4th District Board Member Candidate Joy Pascual ang kaniyang plataporma sa isinagawang Media forum ng Nueva Ecija Press Club Incorporated o NEPCI kamakailan April 4, 2019 sa Nueva Ecija Police Provincial Office Hostel, Cabanatuan City.

Si Pascual ay nakababatang kapatid ni Incumbent Gapan City Mayor Emeng Pascual na buwena manong sasabak sa politika.

Prayoridad ni Pascual ang pagsusulong ng mga programang may kinalaman sa Isports upang hikayatin ang mga kabataan na maiwasan ang masamang bisyo.

Nais din niya na makipagtulungan kay Bokal Nap Interior sa mga pang-kalusugang proyekto kapag sila ay pinalad na parehong manalo sa eleksyon.

Bukod dito ay ipagpapatuloy niya rin ang nasimulang pagtulong sa mga katutubo sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng konsultasyon sa usaping legal.

Pangako ni Pascual, kung siya ay suswertihin sa nalalapit na eleksiyon bilang bokal ay susuportahan din niya ang mga media sa mga kakailanganin ng mga ito. -Ulat ni Joyce Vigilia / Danira Gabriel