Itinuro ni Cabanatuan City Comelec Election Officer Attorney Leylann Manuel ang paggamit ng VRVM o Voters Registration Verification Machine na gagamitin sa na lalapit na halalan.

Mas mapapadali na ang pagboto ng mga Novo Ecijano dahil isa ang Lalawigan ng Nueva Ecija sa mga unang gagamit ng makabagong makina na tinatawag na VRVM o Voters Registration Verification Machine.

Ang naturang machine ay may SD card na naglalaman ng mga impormasyon ng isang botante gaya ng pangalan at lugar ng kaniyang presinto.

Ayon kay Atty. Leylann Manuel, madali lamang gamitin ang VRVM. Una, ilagay ang daliri o thumb mark sa machine, kapag lumabas ang litrato ng botante maaari na itong kumpirmahin ng nakatalagang guro sa naturang presinto.

Ikalawa, wag kalilimutan na kunin at pirmahan ang voters receipt  pagkapos ng kumpirmasyon.

At huli, ibigay ang voters receipt sa Chairman na nakatalaga sa iyong pagbobotohan upang mabigyan ng balota, marker, ballot secresity folder at makaboto.

Kung ang botante ay may kapansanan o putol ang kamay at may edad na, maaari namang gamitin ang manual search na kung saan ita-type ang buong panglan ng indibidwal upang makita na siya ay rehistrado at maaari ng bumoto.

Samantala, kung may lumabas na kulay pula at may nakalagay na stop sa VRVM, maaaring na verify na ang botante o di kaya ay nakaboto na ito.

Maaari ring kumpirmahin sa tinatawag Election Day Computerized Voters List o EDCVL kung ito ay talagang nakaboto na o hindi pa.

Paglilinaw din ni Atty. Manuel, kung magkaroon man ng depekto o nasira ang Voters Registration Verification Machine ay mananaig pa rin ang nilalaman ng EDCVL.

https://youtu.be/sLhlsEcF9lY