Angat sa pagsagot sa question and answer portion sina Jennifer Lacson at Jay-ar Bugarin dahilan upang masungkit ang Ginoo at Ginang F. Buencamino Sr. Integrated School 2019 noong Sabado, March 30, 2019 sa bayan ng Gabaldon.

Bukod sa korona ay naiuwi rin ni Jennifer, 41 anyos na business woman ang People’s Choice Award habang si Jay-ar na isang magsasaka at construction worker ay nakuha ang Best in Production Number, Best in Casual Attire at Best in Talent.

Wagi rin sina Joanna Marie Galapon at Edgardo Tuayon bilang 1st runner-up, Neva Balaños at Remel Tiangco bilang 2nd runner-up, Victoria Valdez at Bautista Moreno bilang 3rd runner-up at Zabeth Ana Tuayon at Samuel Padua bilang 4th runner-up.

Nagningning rin sa kasuotang pormal sina Joana Marie Galapon at Bautista Moreno.

Best in Cowboy at Cowgirl Attire naman ang mag-asawa na sina Edgardo Tuayon at Zabeth Ana Tuayon. At kapartner naman sa pagiging Best in Talent ni Jay-ar Bugarin ang 3rd runner-up na si Victoria Valdez.

Ayon kay Maria Rowena Constantino,punung-guro ng nasabing eskwelahan, ang mga nalikom na pondo ay ipagpapatayong  muli ng learning tambayan at ipagpapatuloy ang mural o paintings sa pader ng FBSIS.

Ang Stakeholders Night 2019, Ginoo at Ginang fbsis 2019 ay isang fund raising activity bilang paghahanda sa Brigada Eskwela para sa school year 2019-2020.- Ulat ni Shane Tolentino