Umabot na sa isandaan at animnapung barangay ang Drug Cleared sa Nueva Ecija ayon sa PDEA. Ito ang tinalakay sa isinagawang Joint Provincial and Peace Order Council at Provincial Anti – Drug Abuse Council noong March 28, 2019 na ginanap sa Sierra Madre Suites, Palayan City.
Inilahad ni Jenelyn Abuela ang Agent III ng Philippine Drug Enforcement Agency ng NE, na mula sa 849 Barangays Drug Operation ay mayroon ng 160 barangays ang Drug Cleared habang 689 na barangays pa ang kailangan na isailalim sa drug operation bago matapos ang taon.
Base sa datos ng PDEA, mula sa 849 na barangay ay mayroong 21 na tinatawag na unaffected barangays, 393 barangays ang moderately affected, slightly affected ay nasa 313 barangay at 3 barangays naman ang seriously affected.
Umaabot naman sa 25, 693 drug personalities ang nakalista sa Unified Watch List ng PNP at ng iba pang Outdor Learning East Ayrshire sa lalawigan.
Isa-isang binanggit ni Father Arnold Abellardo ng Ako ang Saklay, ang mga paraan kung paano matutulungan ang mga naging biktima ng drugs.
Una, ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan.
Pangalawa ay ang pakikipagtulungan ng ibat – ibang ahensya ng Pamahalaan gaya ng Department of Health na nagpadala ng mga Nurses upang magturo sa mga drug victim ng pangangalaga sa kalusugan.
Pangatlo ay ang tulong ng Nueva Ecija Provincial Police Office para mas maging epektibo ang paggaling ng mga biktima ng ipinagbabawal na gamot.
Samantala,Pahayag naman ni Brigadger General Rowel Tolentino ng 7th Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines, sa lalawigan ng Nueva Ecija ay tuloy – tuloy ang ginagawang community support program para mas mapabilis ang pagresolba ng mga isyu ng bawat – barangay sa lalawigan.
Sa huli ay nagpasalamat si Atty. Alejandro Abesamis ang Provincial Administrator ng lalawigan sa lahat ng dumalo sa naturang meeting. -Ulat ni Joice Vigilia/Jessa Dizon