Binisita ng Partido Unang Sigaw  ang bayan ng San Antonio sa pangunguna ni Former Governor Aurelio Umali, 4th District Congresswoman Megan Antonino, Board Member na sina  Nap Interior at Marites Patiag.

Former Gov. Oyie Umali at 4th District Congw. Megan Antonino sa Boodle Fight ng San Antonio

Sa inorganisang paboodle fight noong March 7, 2019 na ginanap sa San Francisco Gymnasium, makikita sa mukha ng mga taga San Antonio ang kasabikan at galak na makasama at makasabay kumain  ang Partido Unang Sigaw kasama si Mayor Arvin Salonga.

Sa Talumpati ni Atty. Oyie Umali, sinabi nito na hindi niya kailanman pababayaan ang  San Antonio dahil sa pagtitiwala, respeto at suporta na ipinagkaloob ng mga mamamayan sa kanya at sa buong pamilya.

Mensahe pa nito na dapat magkaisa at sama – samang tapusin ang lahat ng pasementuhing mga kalsada sa naturang bayan.

Nagpahayag naman ng buong suporta ang ilang mga tiga San Antonio sa lokal na partido.

Bukod sa pagkain at sayang inihatid ng Partidong Unang Sigaw nag – iwan ng isang awitin si Former Governor Umali para sa hiling ng mga taga San Antonio. –Ulat ni Joice Vigilia/Danira Gabriel