Dobleng kasiyahan ang bumungad sa mamamayan ng Brgy. Sta. Arcadia, Cabanatuan City sa pagdating ng Bingo Bonanza sa kanilang lugar dahil maliban sa mga papremyong hatid nito ay ipinagkaloob na rin ng pamahalaang panlalawigan ang pondong hiling na nagkakahalagang 500,000 pesos na para sa kanilang barangay.
Ayon kay Kapitan Darius ‘Dada’ Yarcia, Brgy. Service ang plano nyang bilhin para sa Barangay, malaking tulong um
ano ito sa kanyang nasasakupan lalo na sa mga panahon ng sakuna. Dagdag pa niya napakalaking halaga nito sa kanyang mga barangay workers at bantay bayan na nag-iikot at nagpapatrolya sa gabi.
Ibinahagi din ni Kapitan Yarcia ang hirap nila sa barangay na halos walang magamit o walang masakyan. At nakikisakay lamang umano sila sa ibang barangay na may dalang sasakyan kapag sila ay dumadalo ng mga seminars and meetings.
Dagdag pa ni Kapitan, libreng gamitin ang Brgy Service, meron lamang umanong tamang proseso na dapat sundin ang kanyang nasasakupan, tiniyak din ni kapitan na sa oras na dumating ang serbis ay maari na itong gamitin ninuman.
Inilarawan din ni Kapitan Yarcia na succesful ang naturang pabingo sa kanyang barangay na dinaluhan ng humigit kumulang isang libong mamayan ng Sta. Arcadia.
Marami namang nasiyahan sa mga papremyong hatid ng Bingo Bonanza gaya ng limang kilong bigas, appliances at gift packs.
Kaugnay nito, hindi rin pinalagpas ni Kapitan Yarcia ang pagkakataong makapagpasalamat sa pamahalaang panlalawigan na syang naghandog ng nasabing pondo para sa Barangay ng Sta. Arcadia.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran