Dalawampu’t limang araw nalang ay pasko na ngunit ang malasakit ng Provincial Government sa pamumuno ni Governor Cherry Umali sa mga guro sa lalawigan ng Nueva ecija ay dama na sa pamamagitan ng handog na regalo para sa kanila.
Tumanggap ng Christmas Gift na Bag ang mga guro ng gabaldon Vocational Agriculture High school at Pantoc Elementary School sa bayan ng Gabaldon noong lunes nobyembre abente syete.
Noong Nobyembre aben otso naman sa bayan ng Laur sa Mainit Elementary School at sa bayan ng Bongabon kahapon ang Cruz Elementary School, Bantug Elementary School at sa Paaralan ng Elementarya ng Hiniero.
Labis ang katuwaaan ng mga guro sa maagang pamaskong natanggap nila sa gobernadora.
Ayon kay Rodrigo Garcia Jr. Tearche 1 ng Gabaldon Vocatioanl Agricultural High School, napakasarap daw sa pakiramdam na napili ng gobyerno ang kanilang paaralan para mabigyan ng ganitong regalo.
Nagpapasalamat siya sa ina ng lalawigan Governor Cherry Domingo Umali sa patuloy na pagkakaloob sa kanila ng munting regalo at pag aapreciate sa nagagawa ng mga kapwa niya guro sa ating lipunan.
Laking pasasalamat din ni SherlynP. Panelo, sa pagbibigay atensiyon sa kanilang mga guro, at napakalaking bagay sa kanila ang natanggap na maagang pamasko.
-Sa Ulat ni Phia Sagat