Dumalo ang mga magsasakang mangangalabaw mula sa iba’t ibang parte ng bansa para sa ikatlong taon ng National Carabao Conference Kalabajuan na ginanap sa Philippine Carabao Center sa Science City of Muñoz na tumagal ng dalawang araw.

Sa Conference na ito ay pinag usapan ang kasalukuyang kalagayan ng demand ng gatas ng kalabaw sa mercado at gaano kataas ng demand nito.

Mga bagong teknolohiya na maaaring gamitin ng mga mangangalabaw upang mapataas ang produksyon at maparami ang mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw, kambing, baka at marami pang iba.

Natatanging angangalabaw, binigyan ng pagkilala

Henry Orbino, Outstanding Dairy Buffalo Farmer (Small hold Category)

Binigyan din ng pagkilala ang mga natatanging mangangalabaw sa iba’t ibang kategorya katulad ng Outstanding Dairy Buffalo Farmer Small hold Category na nakuha ni Henry Orbino ng Canilog,Iloilo na nag uwi ng 25,000 piso

Victoriano Dumale ng Licaong Dairy Producer’s Cooperative, Dairy Buffalo Farmer (Family Module Category)

Victoriano Dumale ng Licaong Dairy Producer’s Cooperative na naiuwi ang karangalan bilang Outstanding Dairy Buffalo Farmer, Family Module Category  na residente ng Science City of Muñoz na naguwi ng 25,000 piso

Samuel Mercader ng Eastern Multi-Purpose Cooperative Outstanding Dairy Buffalo Farmer (semi-commercial category)

Samuel Mercader ng eastern Multi-Purpose Cooperative Outstanding Dairy Buffalo Farmer semi commercial category na taga San Jose City na nag-uwi ng  25,000 pesos.

Emily Velasco ng Simula ng Panibagong Bukas Multi Purpose Cooperativemodelong Juana sa Kalabawan

Emily Velasco ng Simula ng Panibagong Bukas Multi Purpose Cooperative modelong juana sa Kalabawan ng San Jose City na nag uwi ng  25,000 pesos.

Patrick Pascual na mula sa Pulong Buli multipurpose cooperative

Patrick Pascual na mula sa Pulong Buli multipurpose cooperative Sto. Domingo Nueva Ecija na  nanalo bilang modelong kabataan sa kalabawan na nag uwi ng 25,000 pesos

Eastern Multi-purpose Cooperative, Grand slam Winner best dairy cooperative category

At ang grand slam winner ng best dairy cooperative category ang Eastern Multi Purpose Cooperative mula sa San Jose City na nag uwi ng 50,000 piso. Taong 2000 ng magpa iwi ng mga kalabaw ang PCC at simula noon ay lumago na ng lumago ang kanilang samahan.

Isa sa pinaka malaking karangalan din ang makapag uwi ng gintong kalabaw award kung saan sa loob ng 10 buwan ay nakapag produce ng 3,364.5 litrong gatas na nasa ilalim ng pangangalaga ni Ginoong Rogelio Marquez na nag kamit ng 30,000.

Lahat ng mga ito ay taunang ginaganap sa kalabaw conference kung saan nabibigyan ng pagkilala ang mga natatanging mangangalabaw- Ulat ni Amber Salazar