Sa pamamagitan ng Kitchen on Wheels ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Czarina “Cherry” Umali ay nadama ng mga mag-aaral ng E Saulo Memorial School sa bayan ng Sta. Rosa at Batitang Elementary School sa bayan ng Zaragoza ang malasakit.

Nagtungo upang maghatid ng mainit na sopas at juice sa 1,159 NA  estudyante ng dalawang nabanggit na Pampublikong Paaralan ng Elementarya ang Kitchen on Wheels.

Mainit naman ang naging pagsalubong ng mga mag-aaral at mga kaguruan ng dalawang naturang paaralan sa pagdating ng naturang programa.

Ayon kay Ofelia M. Trinidad, Teacher 3 ng E. Saulo Memorial School,  mahalaga aniya na pumapasok ang mga mag-aaral na may laman ang tiyan upang hindi maapektuhan ang kanilang pag-aaral.

Ayon naman kay Belen Asuncion, School Nutrition  Chairman ng Batitang Elementary School mahalaga ang mga ganitong programa ng pamahalaan para sa mga mag aaral para lalong makapag-participate ang mga kabataan sa paaralan,  hindi na rin pinalagpas  ng guro ang pagkakataong magbigay payo sa mga magulang ng bawat mag aaral.

Layunin nito na maghain ng masusustansyang pagkain sa bawat mag-aaral para sa malusog at masiglang pangangatawan ng mga kabataang dala ay pag-asa.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran