Kasama si Mayor Lally Belmonte ng bayan ng Zaragoza nang bumisita si Gov. Umali sa kanilang munisipyo kung saan pinailawan kamakailan ang mga Christmas Trees and Lanterns na gawa sa iba’t ibang recycled materials.

Manghang-mangha si Gov. Umali sa pagiging malikhain ng mga Zaragozeño sa pagbuo ng mga Christmas decorations para sa nalalapit na kapaskuhan.

Sa kabila ng busy schedule ng gobernadora ay nakuha pa rin nitong makihalubilo sa mga residente ng naturang bayan.

Nakisaya at nakisabay ito sa pagsayaw sa tugtuging baby shark sa mga batang naroroon, na ikinatuwa naman ng mga ito dahil sa pag-uukol ng panahon at atensyon sa kanila ng ina ng lalawigan.

Governor Cherry Umali, nakisayaw sa mga bata sa bayan ng Zaragoza

At bilang isang ina, ipinaramdam nito ang pagmamahal sa mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng munting regalo.

Bukod sa munisipyo ng Zaragoza ay pinuntahan din nito ang Old Capitol Building sa Cabanatuan City kung saan makikita ang Giant Christmas Tree.

Agaw atensyon din ang mga Led Christmas Lights na pinalibot sa mga halaman sa harapan at maging ang belen na nakalagay sa itaas ng gusali.

Tuwang-tuwa naman ang mga taong lumibot sa Old Capitol Building dahil natyempuhan nila ang pagdalaw ni Gov. Cherry kaya naman sinamantala na ng mga ito ang pagkakataon upang makapagpa picture sa ina ng lalawigan.

Sa loob ng isa at kalahating taon na panunungkulan bilang gobernadora ng Nueva Ecija ay ipinakita nito ang malasakit sa mga Novo Ecijano.

Kabilang sa mga programang kanyang inihatid ay ang mga sumusunod: Kitchen on Wheels at Smile mo Labs Ko para sa mga bata, Awarding of Stipend para sa mga scholars, Cattle dispersal para sa mga magsasaka, livelihood programs sa mga kababaihan at marami pang iba.— Ulat ni Shane Tolentino