Tampok sa pasiklaban ng Radio and Television advertisement ang Tilapyang daing o Tilading at Biofertilizer na gawang Central Luzon State University sa ginanap na Agrifishpreneurship nitong Sabado sa  Cyberzone, SM Cabanatuan.

Sampung kalahok naman  ang naglaban laban sa Radio commercial at walong kalahok sa tv advertisement ng Biofertilizer , habang siyam naman ang lumahok sa Radio and  Television advertisement ng Tilading.

Ayon kay Dr. Matilde Recto, Direktor ng  Center for  Educational Resources and Development Services, ito ay ginaganap bilang pagbibigay-daan para lalong makilala ang kakaibang produkto,  na sa CLSU lamang matatagpuan.

Dagdag pa nito, ito ay pinag-igihang gawin para mayroong  kakaibang produkto na maihahain at  maipagmamalaki  ang mga Novo Ecijano. 

Layunin nito na ipaalam sa lahat ng stakeholders na ang CLSU ay hindi lamang nagdedevelop  ng mga produkto bagkus tumutulong  din sa countryside para sa mas mainam na pag aagrikultura  ng lalawigan, mula sa pagtitilading  maging sa paggawa ng biofertilizer, Maging commercially viable na tatangkilikin hindi lamang sa pilipinas kundi sa ibang bansa .

Matatandaang una na ngang pinakilala ang Tilading noong Setyembre ng ipinagdiwang ang CLAARDEC sa pamamagitan ng poster making at slogan contest hanggang sa nagkaroon na ng print ad at ngayon ay umabot na sa  television advertisement na  planong ipasok ‘on-air’ para araw araw ng mapakinggan  at maipaalam sa buong lalawigan.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran