Magkasunod na sinorpresa si Cabanatuan City Vice Mayor Anthony Umali ng kanyang mga kasamahan sa Vice Mayor’s Office at Sangguniang Panlungsod sa Ika-Apat na Pu’t Apat na taong kaarawan nito.
Sa kanyang mensahe, nangibabaw ang kagustuhan nito na magkaroon ng tunay na “Love and Unity” sa puso ng bawat isa.
Kilala na magkalaban sa larangan ng politika sina Mayor Jay Vergara at Vice Mayor Umali.
Ngunit, aniya, magkaiba man ang partido na kanilang kinabibilangan ng Punong Lungsod ay huwag sanang gawing personal ang mga bagay na trabaho lang.
Aniya, kailanman ay hindi niya hinaluan o hahaluan ng pamomolitika ang pag-gampan ng kanyang hinahawakang posisyon.
Asahan umano ng taong bayan na patuloy siyang magbibigay ng tulong sa lahat ng mga nangangailangan sa abot ng kaniyang makakaya, nasa posisyon man o wala. –Ulat ni Danira Gabriel