Patok hindi lang sa mga bata kundi maging sa mga matatanda ang Giant Christmas Tree at The Olaf’s Frozen Adventure Christmas Centerpiece na Scandinavian House na bagong atraksyon ng SM City Cabanatuan.

Ang Giant Christmas Tree ay may taas na tatlumpo’t limang talampakan na matatagpuan sa first floor habang ang Scandinavian House ay may taas na dalawampong talampakan na matatagpuan naman sa 4th floor ng Mall.

20 feet tall The Olaf’s Frozen Adventure, Scandinavian House mula sa kaharian ng Arendelle ng Frozen Movie.

Ayon kay Assistant Mall Manager Carol Del Rosario ng SM City Cabanatuan, taun-taon ay naglulunsad ng centerpieces bilang bagong atraksyon para sa mga shoppers ang naturang mall.

Ngayong taon ay White Christmas at Disney Princesses at Characters ang kanilang napiling tema sa lahat ng SM Malls.

Dagdag ni Del Rosario, sa kasalukuyan ang 35 feet Giant Christmas Tree na ito ang pinakamalaking Christmas Tree sa Lungsod.

35 feet tall Giant Christmas Tree na nagtatampok ng wintry themed-Christmas

Kasabay ng pagbubukas ng dalawang pinakabagong atraksyon ng Mall ay inilunsad din ang “Bears of Joy” na naglalayong makapaghatid ng ngiti sa mga bata sa pamamagitan ng simpleng regalo.

Ang “Bears of Joy” ay humihikayat sa mga shoppers na bumili ng isang pares ng teddy bear na nagkakahalaga ng P200, kung saan ang isa ay para sa bumili at ang isa naman ay para sa donasyon na ipamamahagi ng Mall sa mga bata sa nalalapit na kapaskuhan.

Kasabay ng pagbubukas ng dalawang bagong atraksyon ng
SM City Cabanatuan ay inilunsad ang “Bears of Joy” na maghahandog
ng pamaskong regalo sa mga mahihirap na bata.

Aabot sa pitong daang pares ang maaaring mabili malapit sa Giant Christmas Tree sa first floor, na dadalhin upang idonate sa mga bata sa Bahay ni San Jose sa Bayan ng San Antonio sa December 26-30.

Hinikayat din ni Del Rosario ang mga Novo Ecijano na makiisa sa adbokasiya ng naturang Mall na makapagbahagi ng pamaskong regalo sa mga bata lalo na sa mga nagmula sa mahihirap na pamilya.—Ulat ni Jovelyn Astrero