Libreng gamutan para sa lahat ng mga Gapawenyong mayroong karamdaman ang kaloob ng General District Hospital at Rotary Club of Gapan sa pakikipagtulungan ng Factoria Masonic Lodge No. 311, MS Garcia Lodge No. 306, Philippine Academy of Family Physician Inc.-NE Chapter at ni Dr. Baltazar G. Lotuaco at mga kasama.

Naghandog ng libreng gamutan ang Gapan District Hospital at Rotary club of Gapan sa pakikipagtulungan ng ilan pang organisasyon para sa mga Gapawenyo

Tatlong daang pasyente ang nabibigyan ng libreng check-up kada araw simula Nov. 13 hanggang November 17.

Noong lunes nagbigay ng serbisyong medical ang mga Internist, noong martes ay ang mga OB Gyne, miyerkules namn ang dental mission,  huwebes ay ang mga Pediatrician, at sa biyernes ay ang general practice about family medicine.

Ayon kay Niño S. Mercado, Presidente ng Rotary Club of Gapan, kada taon ay isinasagawa nila ang ganitong uri ng programa para maalalayan ang lahat ng mga nangangailangan ng tulong.

Nakakuha sila ng mga donasyon na medical equipment, medical supply at medicine, mula sa mga Doktor na miyembro ng Rotary sa U.S.

Nagbigay din si Mercado ng mensahe para sa lahat ng napagkalooban ng libreng checkup na sana ay ingatan nila ang kanilang mga sarili upang makaiwas sa mga sakit

Laking pasasalamat naman ng mga pasyenteng napagkalooban ng libreng checkup dahil malaking tulong sa kanila ito.

Samantala, libreng meryenda naman ang inihatid sa lahat ng mga pasyente ng kitchen on wheels ng pamahalaang panlalawigan. -Sa Uat ni Phia Sagat