Bumaba ang bilang ng mga estudsyanteng kalahok sa Boy Scouts of the Philippines ayon kay Council Scout Executive ng Nueva Ecija Mariafe Dela Cruz sa pagbubukas kahapon ng ika-apat at walong taong Boy Scouts of the Philippines Provincial Jamboree na ginanap sa BSP Camp, Palayan City, Nueva Ecija.
Mula sa halos apat na libong kalahok ay bumaba ito ng tatlong libo limang raan at limampu’t anim na Scouts na lamang
Paliwanag ni Dela Cruz ay mas dumami ang aktibidades ngayong taon dahilan kaya hindi nakapagpadala ang ibang paaralan ng mga representante ngunit agad namang na gawan ng paraan upang maidaos ang taun taon ng nakaugalian.
Ayon naman kay Melchor Dominggo isa sa mga guro ng BSP na nagmula sa Batitang National High School, Zaragoza District, isa sa malaking problema umano kung bakit bumaba ay nahati sa dalawa ang activities na pagkakagustasan ng mga mag-aaral na kung saan una na ngang inanunsyo ang tour o field trip ng ilan sa mga principals ng paralan.
Bagamat bumaba ang bilang ng mga kalahok ay taos puso paring nagpasalamat si Dela Cruz at Dominggo sa mga guro at magulang na nagtiwalang isali ang kanilang mga anak para sa ganitong gawain.
Layunin ng pagdiriwang na ito ay upang mailayo ang mga kabataan sa tukso ng droga sa pamamagitan ng pagbaling ng atensyon at pagsali sa mga ganitong aktibidades ng paralan,maimulat sila sa kung ano ang dapat gawin sa pang araw araw na buhay at maging handa para sa hinaharap.
Samantala, ika-48 Provincial Jamboree na ginaganap kada buwan ng Oktubre hanggang Disyembre. Mayroon tayong Provincial Jamboree, Regional Jamboree at National Jamboree.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.