Isa si Mang Protacio, 57 years old, consistent safe donor na may marubdob na layuning makatulong sa mga nangangailangan ng dugo lalo na sa mga kapos na nangangailangan kaya naman sya ang kauna unahang donor na maaga naming nadatnan na sumalang agad at hindi pinalagpas ang pagkakataong makapagpakuha ng dugo sa ginanap na Bloodletting Activity sa Bongabon District Hospital sa tulong ng Provincial Government katuwang ang LGU Bongabon, Provincial Health Office at ng PJG Memorial Research and Medical Center.

Blood letting Activity na isinagawa sa Bongabon District Hospital
Sa panayam kay Rowena Jocson, Provincial Blood Program Coordinator ng Nueva Ecija, sinabi nito na ayon sa Republic Act 7719 o Promoting Blood Donation, na kung saan pino-promote ang dugo na dapat ibinibigay ng kusang loob.

Nueva Ecija Provincial Blood Program Coordinator Rowena Jocson nagbahagi ng kaalaman tungkol sa pagdo-donate ng dugo
Ang voluntary non-remunerated blood donation ay ang programa ngayon ng pilipinas na walang hinihintay na kapalit, pera, o bayad kundi ang pagbibigay ng dugo ng kusang loob upang makatulong sa mga lubos na nangangailangan
Tinawag din ni Jocson na makabagong bayani ng Pilipinas ang mga blood donors sapagkat sila ang mga nagkukusang magdugtong-buhay sa mga nangangailangan.
Ayon naman kay Joan Garcia, Acting Administrative Officer ng Bongabon District Hospital layunin ng programang ito na makapagbigay ng libreng dugo at makapagdugtong ng buhay sa mga nangangailangan ng boluntaryo, magkaroon ng stock o imbak upang hindi maubusan ng dugo, kaya mayroong mobile blood donation or community based donation.
Kaugnay nito, mayroon tayong Blood Stations tulad ng District Hospitals sa Bongabon, Gapan City, San Antonio, San Jose Gen Hospital, Guimba District Hospital, Sto. Domingo District Hospital.
Ang Blood station ay ang nag-iimbak, nag iipon at kumokolekta ng dugo mula sa mga volunteer donors.
Sa Wesleyan at Good Samaritan Hospital naman ang Hospital blood Bank, sa Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center ang lead blood service facility. -Ulat ni Getz Rufo Alvaran