Tumanggap ang mga kawani ng kapitolyo ng iba’t-ibang libreng serbisyo tulad ng massage therapy, manicure at pedicure, haircut at iba pa mula sa pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Czarina “Cherry” Umali at sa kooperasyon ng Provincial Manpower Training Center sa ginanap na selebrasyon ng Civil Servant’s Day nitong October 19 sa New Capitol, Cabanatuan City.
Ayon kay Atty. Elerizza Meteorato, ipinagdiriwang nila ang Civil Servant’s Day tuwing buwan ng Setyembre upang mapadama sa mga empleyado ang kanilang halaga at masuklian ang ,maaayos tapat na serbisyo nito. Aniya, gaganapin dapat ito noong September 21 ngunit idineklara itong non-working holiday kaya naman ngayong Oktubre ito natuloy.
Samantala, labis naman ang kasiyahan at pasasalamat ng mga empleyado para sa mga serbisyong kanilang natanggap.
Sinabi rin ni Atty. Meteorato, patuloy ang mga proyekto o serbisyong binibigay nila sa mga empleyado at hindi lamang tuwing buwan ng Setyembre. Aniya, ito ay upang maipakita na pinapahalagahan ng pamahalaan ang serbisyong kanilang binibigay para sa lalawigan.
Isa sa mga proyektong ito ay ang pag-aanyaya nila sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Pag-IBIG, GSIS, SSS at iba pa na magtungo sakanilang opisina upang mailapit sa mga kawani ng kapitolyo ang kanilang mga programa. –Ulat ni Irish Pangilinan