Napanatili ng CIC Kings ang unang pwesto sa Men’s Basketball sa record na 7-1 matapos nilang padapain ang La Fortuna Spartans noong Miyerkules, October 18 sa score na 79-59.

CIC KINGS VS LA FORTUNA SPARTANS (CIC KINGS Won the battle, 79-59)
Umikit ng 19 na puntos si Coduco habang nakagawa naman ng 14 na puntos si Fajardo dahilan upang lumobo ng 20 puntos ang lamang sa Spartans.
Matatandaan na nakuha ng Kings ang kanilang talo sa GJC Generals na dalawang puntos lamang ang abante ng Generals, 85-87 end score ng 4th quarter.
Samantala, waiting na rin sa semis ang MVGFC Ambassadors. Nagawa ring talunin ng Ambassadors ang Spartans dahil sa husay at galing ng mga manlalaro nito. Nagtapos ang laro sa score na 95-86.

MVGFC AMBASSADORS VS LA FORTUNA SPARTANS (MVGFC Ambassadors won, 95-86)
Tumipa ng 35 big points si Arenas habang dinagdagan naman ito ni Quiba ng 18 puntos. Ito ang dahilan upang maibulsa ng Ambassadors ang second slot sa semis ng Men’s Basketball na may 6-2 record na nagmula ang talo sa koponan ng CIC Kings at CRT Blue Fox.
Hinihintay pa ng Kings at Ambassadors kung sino sa WUP Riders, CRT Blue Fox, La Fortuna Spartans at GJC Generals ang kanilang makakalaban upang makumpleto ang top 4 sa semis.- Ulat ni Shane Tolentino