Mangiyak ngiyak si lola Rosa Pascual, habang isinasalaysay ang kanyang hindi maipaliwanag na emosyon dahil sa naranasang  libreng serbisyo, bagama’t simple ay naramdaman nya ang malasakit ng pamahalaang panlalawigan sa mamayan ng Gen. Tinio.

Mga mamamayan ng bayan ng Gen. Tinio na dumalo sa Malasakit Service Caravan

Nahiling naman ni lola Victoria Calma, na sana’y magpatuloy ang pamahalaang panlalawigan sa pagpapadama ng kanilang malasakit para sa mga Novo Ecijano sa pamamagitan ng kanilang Service Caravan.

Mga Senior Citizens na mag-aavail ng free check-up at iba pang services

Ito na ang pang-limang bayan na naserbisyuhan ng malasakit program na naglalayong maibaba sa mga mamamayan ang mga programa ng pamahalaang panlalawigan.

Sinabi  pa ni George Sagun, na dahil sa lawak ng probinsya ay marami sa mga kababayang Novo Ecijano ang hindi nakakaalam sa mga programa at serbisyong hatid ng Provincial Government.

Kaya naman sa pamamagitan ng naturang programa ay maihahatid na mismo sa mga mamamayan ang mga libreng serbisyo.

Free hair cut, manicure, pedicure, massage, repair ng mga appliances, at tune up ng motorsiklo dulot ng PMTC.

May libreng check up, gamot, medical mission at dental mission din sa lahat ng mamayan ng bayan ng Gen. Tinio higit sa mga senior citizens.

Binusog naman ng Kitchen on Wheels ang mga mamamayan ng bayan ng Gen. Tinio.

Kitchen on Wheels na lagi nakaantabay upang maghatid ng mga pagkain sa mamamayan.

May mga samu’t saring trainings din sa agrikultura, training sa kooperatiba, may mga Engineering din na gumagawa ng diselting, vigitation man control at regravelling. -Ulat ni Getz Rufo Alvaran