Internet Media and Information Literacy Training itinuro sabay ng paglunsad ng Free Public Wifi o Pipol Konek

Labis na ikinatuwa ng mga guro, estudyante at iba pang sektor sa bayan ng Peñaranda ang inilunsad na Free Public Wifi o Pipol Konek sa kanilang munisipyo na proyekto ng gobyerno.

Mga teachers  ng Peñaranda School na-excite sa paglunsad ng free public wifi

Ayon kay teacher Benedict Legaspi, ICT Chairman ng Sto. Tomas Elementary School ng Peñaranda District,  malaking tulong sa mga estudyante pati na rin sa mga guro ang free wifi sapagkat hindi na aniya kinakailangan ng mga estudyante na pumunta pa sa computer shop para mag-research ng kanilang mga assignments , projects at iba pang mga requirements sa paaralan.

Sang ayon naman si teacher Elen ng Peñaranda Central School . Aniya halos lahat ng itinuturo nila ay nanggagaling na sa internet at dahil sa tulong ng free wifi ay mas makakatipid ang mga guro.

Pinangungunahan ng DICT o Department of Information and Communications Technology ang paglulunsad ng free public wifi o pipol konek sa bayan ng Peñaranda noong byernes.

Tahimik na nakikinig ang mga participants habang itinuturo ang Internet Media and Information Literacy Training ng tagapangasiwa ng DCIT

Sa aming panayam kay Katherine Dube, isa sa mga tagapangasiwa ng DICT. Ang layunin ng proyekto ay upang mapababa ang antas ng mga  lugar na hindi abot o walang internet access.

Hindi naman nakaligtaang magbigay ng payo ni Dube sa mga mamamayan tungkol sa responsableng paggamit  ng internet pati  ang mabuti at hindi magandang naidudulot ng labis na paggamit ng social media.

Malaking pakinabang at tulong hindi lamang umano sa mga estudyante ang free wi-fi kundi maging sa buong mamamayan ng kanilang bayan, ito ayon kay German Del Rosario, Executive Assistant ng LGU Peñaranda.

Kasama sa mga itinuturo ng DICT ay kung paano makakakonekta sa wi-fi, pangalawa, ay ang kung paano ang responsableng pag gamit ng social media kagaya ng facebook, email address at iba pa. Pangatlo, ay ang maaring idulot ng hindi wastong paggamit nito.

Dinaluhan ng iba’t ibang sektor ng Peñaranda ang inilunsad na Free Public Wifi o Pipol Konek

Siyam na bayan na sa lalawigan ang nalagyan ng free wi-fi na kinabibilangan ng Quezon, Nampicuan, Zaragoza, Licab, Peñaranda, Sto. Domingo, Talugtug, Laur at Mamerto Natividad.

Layunin ng Free Public Wifi o Pipol Konek na magbigay daan para magkaroon ng internet acces na libre para sa lahat ng mamamayang pilipino prayoridad ang mga lugar na hindi pa naabot o nagkakaroon ng internet acces.

Ang free public wifi ay ikakabit sa pampublikong lugar gaya ng Parke, Municipal Hall, Municipal Plaza, Community/ Rural Health Unit, Ospital, Terminal at pampublikong paaralan at Unibersidad. -Ulat ni Getz Rufo Alvaran