Nagbigay ng libreng Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) test ang Department of Interior Medicine ng Premiere Medical Center sa mga mamamayan na may edad 40 pataas na naninigarilyo at mayroon ng mga sintomas ng COPD.
Katulad ng :
- Hingal
- matagal na pag uubo
- pagkakaroon ng plema
- huni o wheezing
Ayon kay Dra. Gretel Navarro hindi lamang mga naninigarilyo ang nasa panganib dahil pati mga second hand smoker ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang sakit sa baga.

Nakalalanghap ng usok ng sigarilyo, maaari din magkaroon ng COPD
Kwento ni Eduardo 55 taong gulang mula nung sya ay 21 taong gulang ay naninigarilyo na sya at nakakakosumo ng halos kalahating pakete ng sigarilyo sa isang araw. Huminto syang manigarilyo nito lamang Enero dahil nahihirapan na rin syang huminga.

Cancer, Chronic Heart Diseases at Diabetes, ilan sa dahilan ng kamatayan ng mga Pinoy
Base sa pag-aaral ng Department of Health (DOH) nangungunang dahilan ng kamatayan ang Cancer, chronic heart disease at diabetes sa Pilipinas na nagiging dahilan ng kalahati ng kabuoang dami ng kamatayan s abansa taun-taon.– Ulat ni Amber Salazar