Ipinagmalaki ng Premiere Medical Center na sa loob ng mahigit 4 na taon ay gumagamit na sila ng solar energy upang tumulong na mag supply ng kuryente sa buong ospital.

Ilang ospital na nga rin katulad ng Castro Maternity Hospital and Medical Center sa Bulacan ang gumagamit ng solar power  na umaabot  sa 50 kilowatt.  Habang ang premiere medical center ay umaabot na sa 100 kilowatt na pinatatakbo na sa loob ng apat na taon.

Solar energy , nakatutulong upang makapag tipid ng 30 % sa konsumo ng kuryente ang Premiere

Ani ni Doctor Yang nakatitipid sila ng 30 % ng total power consumption ng ospital at sa loob ng 2 taon pa ay mababawi na nila ang pinambili sa mga solar equipment na ito mula sa 100 kilowatt ay i-aakyat sa 200 kilowatt ng Premiere  Medical Center ang konsumo nito.

Solar energy hindi lamang cost efficient kung hindi Eco friendly rin

Ang solar energy  ay  hindi gumagawa ng noise pollution isa sa mga renewable energy na  malaki ang maitutulong sa mundo upang maiwasan ang polusyon at paglala ng carbon dioxide emission na tinuturong pinaka malaking dahilan ng mabilis na paglala ng Global warming sa mundo.  – Ulat ni Amber Salazar