Natuklasang sira at kulang ng red plastic seal ang humigit kumulang isandaan sa 298 ballot boxes na nakolekta ng House of Representatives Electoral Tribunal sa City Hall ng Cabanatuan City, habang umaabot naman sa tatlumpu’t lima ang nawawala ang metal seal.
Ayon kay Atty. Ellis Jacoba, isa sa mga abogado ni Former Governor Aurelio Umali, mahalaga na kumpleto ang metal at plastic seal ng bawat kahon ng balota para maseguro ang integridad nito.
Kaya naman inilista ni Atty. Jacoba ang lahat ng ballot boxes na depektibo upang magamit na dagdag ebidensya sa electoral protest na nakahain sa hret laban kay Congressman Rossana Vergara.
Tumagal ng dalawang araw ang paghahakot sa mga kahon ng balota na nasa pangangalaga ng Treasurer’s Office at election paraphernalia mula naman sa ComElec Office ng Cabanatuan na sinimulan noong September 13 hanggang 14, 2017.
Bago pa na siya kaya atubili itong pumirma sa acknowledgment receipt. Ngunit sa huli ay siya pa rin ang binigyan ng awtorisasyon.
Pagkatapos suriin ang 298 ballot boxes ay isinakay ito sa pitong truck, na ineskortan ng 4 mobile police patrol na inilaan ng partido ni Umali at Vergara. Pagkatapos ay magkakasabay na itong bumiyahe patungong tanggapan ng HRET sa Quezon City at doon ilalagak ang ballot boxes at election paraphernalia habang hinihintay ang schedule ng recount.
Samantala, napansin ng crew ng balitang unang sigaw na dalawa sa mga truck ay magkapareho ng plate number.
Sa text message ng examiner ng HRET na si Teofilo de Castro Jr., tiiniyak nitong wala namang problema kahit magkapareho ng plaka ang dalawang sasakyan.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran